Ikalawang sanaysay sa wikang Pilipino sa okasyon ng Buwan ng Wika, 2012.
TOKYO, JAPAN - O aking mga kuko, hindi ako magugulat kung ang hinaing ninyo ay, "Sa dami ng tao sa mundo, bakit naman sa kanya pa kami napalagay?"
Sapagkat hindi biro ang maging kuko ng isang taong mahilig umakyat ng bundok. Biruin mo, sa bawat bundok na inaakyat, kayo ang nakasalang sa harapan. Siguradong hindi na kayang bilangin ang mga bakbakan ninyo sa lupa, sanga, ilog, bato, at iba pang balakid.
Dalawang beses na rin akong namatayan ng kuko, at maaaring isa pa ito sa inyong hinanaing. Ang isang mahabang akyatin sa Palawan noong 2008, kung saan bawat hakbang ay kay sakit. At nitong nakaraang Pasko, sa halip na tayo'y nakikisalo sa isang masayang noche buena, tayo'y naglalakad ng walang tigil sa mataas na disyerto ng bundok Kilimanjaro. At ang magkabilang hinlalaki ng aking mga paa ay naghingalo.
Pasensya na talaga.
Sa kabila ng inyong mga paghihirap para sa akin, hiling ko sa inyo na huwag ninyong isipin na masaklap ang inyong kapalaran. Gusto kong unawain ninyo ang kaibahan ng sakit at sakpripisyo. Ang sakit, dinadanas lamang at tinitiis. Ang sakripisyo, ganoon din, ngunit may kahulugan at patutunguhan ang sakit na ito. May saysay. Sa kaso ninyo, ang sakit na inyong dinadanas ang tanging paraan kung paano ako (at tayo) ay nakatungtong sa tuktok ng iba't ibang bundok sa iba't ibang bansa. Na siya namang nagtutulak sa akin na magsikap pa lalo, upang maabot ang mga tuktok hindi lamang ng mas marami pang bundok, kundi pati narin mga tuktok ng buhay.
Sa totoo lang, maraming bagay na maaaring matutunan sa inyo. Kung tutularan lang kayo ng mga tao! Oo, kung ang bawat tao nga lang sana ay handang maging kuko ng lipunan, handang humarap sa bawat bato't balakid, handang magsakripisyo para sa kapakanan ng lahat, siguradong maaabot ng bansa ang tuktok at mithiin: tunay na kalayaan at kasaganahan.
Sa aking mga kuko, isang pasasalamat at pagpupugay.

Hindi ako ang naunang naghambing ng katawan ng tao sa lipunan, sapagkat ito'y isang angkop na paglalarawan. Tunay nga na kailangan nating gampanan ang bawat responsibilidad at gamitin ang bawat pagkakataon upang makakilos tayo patungo sa ating mga hangarin. Hindi maaaring sablay ang galaw, dapat, sabay-sabay. Ngunit hindi rin naman maaaring sabay-sabay ang pagkakaron ng karangalan. Sa litrato na bawat tao, mukha lang ang nakikita, bagamat kayraming bahagi ng ating mga katawan ang dapat magsikap upang lumitaw ang ating mga ngiti.
Tunay nga na ang tagumpay ng isa ay tagumpay ng lahat: Anumang kagandahan natatanaw ng aking mga mata ay siya niyo ring tanawin. At malayo man kayo sa bituka, ang pagmamalasakit ko sa inyo ay ipinapamalas sa paghahanap ng magandang sapatos at medyas, at paminsan-minsan, isang maginhawang foot spa. At heto nga, handog ko sa inyo ang sanaysay na ito upang maunawaan ninyo ang inyong kahalagahan bilang bahagi ng isang lipi, isang katawan, isang pangarap.